Gusto mo sya. Sabi nya gustong-gusto ka nya. He thinks you're a good soul at di nya alam ano ginawa nya to deserve someone like you (may nagsabi na sayo nito dati). Ikaw naman gusto mo sya kasi you feel special when you're with him. At tsaka malakas dating nya sayo.
Kaso may konting sabit.
Una, he's not out. You don't mind na di sya out. Pero isang beses may ni-raise syang scenario. Sabi nya sayo, ano mararamdaman mo pag dineny ka nya sa mga kaibigan nya kapag nagtnong mga yun. Napaisip ka. Hmmm. Teka lang. Handa ba ako na i-deny? Sabi mo sa sarili mo. Tingin mo hindi. Naalala mo na isa sa gusto mo eh maging proud yung magiging boyfriend mo sayo. Hindi naman kailangan ipagsigawan sa buong mundo. Wag lang i-deny. Kung sa parents ka idedeny maiintindihan mo. Pero sa mga kaibigan? Hmmm.
Pangalawa, he came from a bad breakup (like you) na hindi nagkaroon ng maayos na closure. Basta na lang natapos dahil ayaw na ng ex nya. Hindi din sila in good terms. From time to time naiikwento nya yung ex nya. You don't mind. Pero pag nagrereminisce na sya ng mga happy moments nila pag magkasama kayo syempre you mind na. You really mind. Pero tahimik ka lang. Tahimik ka lang kasi gusto mo marealize nya ginagaw nya on his own.
Kanina nagpaalam sya sayo kung pwede nya kamustahin yung ex nya. Nabalitaan daw kasi nyang maysakit. Syempre napaisip ka. At ang una mong naisip ay NOOOOOOOO WAY! Pero naisip mong magpanggap na mature. Naisip mo na di maganda kung magpapaka immature ka. Nag-isip ka ng irereply. Sige lang, *insert pet name here*. Kawawa naman sya eh.
Pero hindi ganun ang nireply mo. Ang reply mo sa kanya eh, You wanna visit him and check if he's ok? Simple pero may laman. At immature. Sumagot naman agad sya. Nope. Kamustahin ko lang. Baka tawagan ko lang. Wow, sabi mo sa sarili mo.
I wish I was mature enough to say go ahead but I'm not. But it's your call. You know what's best. Sagot mo. Alam mong di mo kaya magpanggap kaya inacknowledge mo na lang yung immature immaturity mo sa mga ganung bagay.
Ngayon eto nag-iisip ka. Nag-iisip habang masakit ang lalamunan dahil sa hindi pagto-toothbrush pagkatapos mo lantakan yung ice cream cake na binili nya for you. Nag-iisip habang pabalik balik ka sa CR dahil inom ka ng inom ng tubig para sa sakit ng lalamunan mo. Nag-iisip habang nanginginig ka sa lamig dahil sa sirang aircon sa opisina nyo. Nag-iisip habang nakabalandra sa table mo ang mga files na dapat ayusin, papers na dapat pirmahan, numbers na dapat tawagan. Nag-iisip ka habang panay panay ang pagtetext nya ng mga sweet nothings. Nag-iisip habang pinapanood mo na mag ring yung cellphone mo dahil tumatawag sya kasi di ka nagrerespond sa sweet nothings nya. Nag-iisp ka kung bakit ka nag-iisip. Iniisip mo na dapat hindi ka na mag-isip. Pero naisip mo na kailangan mo mag-isip dahil noong huling nakaraang pagkakataon na hindi ka nag-isip...
Sana umulan mamaya. Gustong gusto ko kasi pag umuulan. Pero sana ang ulan mamaya ay maturity. Sana umulan ng maturity. Magtatampisaw ako. Tapos tsaka ako mag-iisip.