23 November 2010

Ulan

Gusto mo sya. Sabi nya gustong-gusto ka nya. He thinks you're a good soul at di nya alam ano ginawa nya to deserve someone like you (may nagsabi na sayo nito dati). Ikaw naman gusto mo sya kasi you feel special when you're with him. At tsaka malakas dating nya sayo.

Kaso may konting sabit.

Una, he's not out. You don't mind na di sya out. Pero isang beses may ni-raise syang scenario. Sabi nya sayo, ano mararamdaman mo pag dineny ka nya sa mga kaibigan nya kapag nagtnong mga yun. Napaisip ka. Hmmm. Teka lang. Handa ba ako na i-deny? Sabi mo sa sarili mo. Tingin mo hindi. Naalala mo na isa sa gusto mo eh maging proud yung magiging boyfriend mo sayo. Hindi naman kailangan ipagsigawan sa buong mundo. Wag lang i-deny. Kung sa parents ka idedeny maiintindihan mo. Pero sa mga kaibigan? Hmmm.

Pangalawa, he came from a bad breakup (like you) na hindi nagkaroon ng maayos na closure. Basta na lang natapos dahil ayaw na ng ex nya. Hindi din sila in good terms. From time to time naiikwento nya yung ex nya. You don't mind. Pero pag nagrereminisce na sya ng mga happy moments nila pag magkasama kayo syempre you mind na. You really mind. Pero tahimik ka lang. Tahimik ka lang kasi gusto mo marealize nya ginagaw nya on his own.

Kanina nagpaalam sya sayo kung pwede nya kamustahin yung ex nya. Nabalitaan daw kasi nyang maysakit. Syempre napaisip ka. At ang una mong naisip ay NOOOOOOOO WAY! Pero naisip mong magpanggap na mature. Naisip mo na di maganda kung magpapaka immature ka. Nag-isip ka ng irereply. Sige lang, *insert pet name here*. Kawawa naman sya eh.

Pero hindi ganun ang nireply mo. Ang reply mo sa kanya eh, You wanna visit him and check if he's ok? Simple pero may laman. At immature. Sumagot naman agad sya. Nope. Kamustahin ko lang. Baka tawagan ko lang. Wow, sabi mo sa sarili mo.

I wish I was mature enough to say go ahead but I'm not. But it's your call. You know what's best. Sagot mo. Alam mong di mo kaya magpanggap kaya inacknowledge mo na lang yung immature immaturity mo sa mga ganung bagay.

Ngayon eto nag-iisip ka. Nag-iisip habang masakit ang lalamunan dahil sa hindi pagto-toothbrush pagkatapos mo lantakan yung ice cream cake na binili nya for you. Nag-iisip habang pabalik balik ka sa CR dahil inom ka ng inom ng tubig para sa sakit ng lalamunan mo. Nag-iisip habang nanginginig ka sa lamig dahil sa sirang aircon sa opisina nyo. Nag-iisip habang nakabalandra sa table mo ang mga files na dapat ayusin, papers na dapat pirmahan, numbers na dapat tawagan. Nag-iisip ka habang panay panay ang pagtetext nya ng mga sweet nothings. Nag-iisip habang pinapanood mo na mag ring yung cellphone mo dahil tumatawag sya kasi di ka nagrerespond sa sweet nothings nya. Nag-iisp ka kung bakit ka nag-iisip. Iniisip mo na dapat hindi ka na mag-isip. Pero naisip mo na kailangan mo mag-isip dahil noong huling nakaraang pagkakataon na hindi ka nag-isip...

Sana umulan mamaya. Gustong gusto ko kasi pag umuulan. Pero sana ang ulan mamaya ay maturity. Sana umulan ng maturity. Magtatampisaw ako. Tapos tsaka ako mag-iisip.

13 comments:

  1. *FROWN*
    Smile na please..

    ReplyDelete
  2. Maturity does not occur in a snap of the finger.

    It needs to flourish, grow, develop into full-blown.

    With all these, at least you try, trying makes everything better.

    ReplyDelete
  3. Kids these days...

    They write the best entries. :-)



    Makikisabay ako. Kelangan ko rin magtampisaw kapag umulan ng maturity.

    ReplyDelete
  4. loving finds its twin in complications talaga that's for sure pero it's inevitable and it will happen... it is just plain human nature...

    if you hate pain then don't love. shit if you do or don't ang eksena, anyway.

    haaaayyyy ako naman... pwede bumagyo ng apathy? or can anyone load me up with the chill pill? hahaha super bitter ocampo mode lang ako. gawd!

    ReplyDelete
  5. nice entry...

    as they say.. maraming namamatay sa maling akala...

    more often than not... tama ang hinala natin...

    sabi nila just don't expect anything na lang para dika madisappoint sa bandang huli... but how?

    ang hirap mag-isip ng hindi mag-isip...

    pajoin din sa pagtatampisaw kapag umulan ng maturity :)

    ReplyDelete
  6. i guess pag tumatanda na, maturity na talaga ang batayan.

    pero nasaan na si maturity?

    ReplyDelete
  7. for you to realize that you yourself is sometimes immature, congratulate yourself for you are already starting to mature.

    smile pipo!!!

    -FailedStalker-

    ReplyDelete
  8. ayyyyy. na-haggard naman ako dun. mas-sweet ka pala kesa sa akin. sugar coated kung sugar coated ang mga replies mo teh. hihi

    ReplyDelete
  9. teary-eyed T_T

    i just turned 18, sana'y maging mature dn ako

    ReplyDelete
  10. Long time no comment...as usual, malaman na entry. Nice to know na nagmo-move on ka na talaga. Hehe. Hinay-hinay sa ice-cream cake. Wehe.

    ReplyDelete
  11. wag maging paranoid. baka mauwi sa di maganda. ok.

    ReplyDelete
  12. complicated. hehe. malaman. great post :)

    ReplyDelete
  13. nabasa ko to dati pero di ako nakapag comment.

    gusto ko ang entry na to. hays

    sana ako nag isip din muna. but sometimes things have its own way of sorting out. ewan ko.

    ReplyDelete

Baa baa black sheep have you any wool?

 
 
Copyright © Average Pink
Blogger Theme by BloggerThemes Design by Diovo.com