Sunod sunod kamalasan ko lately. Una, yung cellphone ko na nadukot habang nasa MRT Ayala station ako. Hanggang ngayon di ko pa napapalitan kasi wala ako oras para pumila sa Globe para kumuha ng postpaid plan. May cash ako kaso nanghihinyang ako eh (read: kuripot ako). Tska nawiwili na din ako sa pagtuturo sa pinsan ko sa math assignments at projects nya. Narereview ko yung rules of exponents, operations on polynomials (synthetic division ftw!) at ang paborito kong factoring. Feeling ko ang galing galing ko sa math. Nakakalimutan ko na take two ko ang Math 17 nung college.
Pangalawa, nabasag yung paborito kong baso sa bahay. Di ko alam sa inyo pero isang plato, kutsara, tinidor at baso lang ginagamit ko sa bahay. Di ako gumagamit ng iba. Ayaw ko gumamit ng iba. Maswerete naman ako na nasasakyan to ng mga nakakasama ko sa bahay. Eh ayun nga nabasag yung baso ko. Free yun galing sa Coke eh. Naramdaman ng lola ko na nalungkot ako sa pagkabasag ng baso ko kaya inuto nya ko na gamitin yung basong kakakuha pa lang nya sa eskaparate. Bumili na lang daw ako ng baso pag naligaw ako sa mall.
Pangatlo, nasira yung screen ng laptop ko. Katabi ko kasi matulog si laptop kasi pinapanood ko yung live performance ng So Close (Jon McLaughlin) sa Academy Awards bago matulog. Mag-iisang buwan ko na yata ginagawa yun. Eh tapos ayun nagising ako madaling araw kasi may narining akong kumalabog. Di ko pinansin. Kinabukasan nasa lapag na yung laptop. Hindi basag yung screen pero basag na basag yung display.
Naisip ko nga kahapon, habang nasa The Block ako at nanood ng mgs tao (people watching), baka binigyan ako ng pahiwatig ng Universe na putulin muna na ang komunikasyon ko sa mundo. Haha. Eh kasi cellphone tapos internet. Gusto yata muna ng mga bituin na mapag-isa ako. Pero dahil matigas ang ulo ko hindi ko papansinin ang mga signs. Hahaha.
Okay tama na petiks. Back to work.
ako rin, i have specific plate, glass, and kubyertos sa bahay. bawal ipagamit sa iba. gulo yan.
ReplyDeleteOr maybe the Universe is telling you that you have to make efforts to reach out more? Syempre pag wala lang pangcommunicate, ang tendency is to make extra effort to communicate. Baka naman yun ang kelangan :)
ReplyDeletehmmmm.... magpa-tawas ka.
ReplyDeletehehehe!
uh, what's "eskaparate"? hehe. sorry, not familiar with the word.
ReplyDeleteand speaking of kamalasan, nako ako rin. tambak ang kamalasan. di ka nag iisa pipo. :)
ahhhmmm...
ReplyDeleteang 'eskaparate' ay kamag-anak ng 'estante'.
tama ba?
okay..? i still don't get it. now estante adds up to my list of unfamiliar words. fml. seriously i need some help. *nosebleed* lol. =))
ReplyDeletemagpa feng sui ka na kay kris aquino..:)))
ReplyDeleteang malas kasi sunod sunod yan..kainis nga minsan...
haha...may pagka OCD ka yta ehehe...napapalitan nmn yang screen, madali lang yan :P
ReplyDelete^can be expensive though, papa soltz. more often than not, its better to buy a new one.
ReplyDelete@aveagepink: naku i should stop sleeping with my lappy.
bumalik ka nalang daw sa snail mails!hahaha at lata to communicate!
ReplyDelete@DSM apir! hahaha. buti na lang nasasakyan nila trip natin. =D
ReplyDelete@ms chu ayoko mapakla yun haha =P
@enzo tama si ms chu. parang ganun na nga.
@toffer bad luck comes on three daw. so sana last na yung laptop ko. =|
@soltero hindi naman. gusto ko lang talaga same stuffs. lalo na yung baso.
@honda oo nga eh. mukhang mapupunta dun sweldo ko ngayong katapusan. =[
@mac gusto ko yung lata! hahaha. tapos nasa kabilang line crush ko. yiheeee. hahaha
Hala... Nag coconspire ang universe against you! :D
ReplyDeleteHi pipo, nagyon lang ulit ako nakabalik dito..:)
Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran, Mga gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.
ReplyDeleteNope. Hindi po ako si Zenaida Seva hehe.
@Nicos Saisa! Eh kasi naman busy ka na. Tska iba na yung crowd mo.
ReplyDelete@BP Alam mo ba na di ako umaalis ng bahay hanggang di ko napapanood yang segment na yan? Hahaha
tip: gawin ang fool proof seremonya ng mga nasa palengke para di malasin ang benta: magpagpag ng pera sa katawan. haha!
ReplyDeleteit's true, don't look for signs. look AT the signs :)
or buy ka ng pusang kumakaway.
ReplyDeletegawing fashion accessory.
parang head dress lang.
paalala: make sure na hindi ma-ubusan ng battery. always bring extra.
ay may pagka-OC pla si pipo ;))
ReplyDeletedumugo ilong ko sa 1st par. math... ack! hahaha
mas nalungkot ako sa nabasag na baso kesa sa phone at laptop. :(
ReplyDelete@Yas Jayson Am trying =[
ReplyDelete@Ms Chu ayoko baka kung nao lumapit saken nyan. haha
@lee hinde ah. ang burara ko kaya. hahaha.
ayoko din ng math. pero dahil hs math lang yun parang ang galing ko. haha
@caloy ako din. kaso nalungkot ako kasi ang mahal ng paggawa ng laptop. =[
Math 17
ReplyDeletefrom UP ka? anong year mo na?
@pilyo opo. graduate na ko. =]
ReplyDeletepipo! first timer ako sa blog mo. follow at add kita sa mga people na sina-stalk ko ha? hehe. btw, i failed math 17 thrice sa college. pota!
ReplyDelete@claudiopoi hahahaha. okay lang yan. may mga kakilala ako na take 4 at 5 sa math 17. =))
ReplyDeletenaaliw ako sa handle mo. claudiopoi. poi. poi. =P
haha. nasa friendster ko na nga lahat ng mga profs ko ng math eh. pero hindi pa din kinaya ng pagiging feeling close! haha :) anung handle?? pipo. po. po. hehe :D
ReplyDeleteyung handle eh yung username mo. claudiopoi. =P
ReplyDeleteaw. haha. yun pala yun. salamat naman at nagustuhan mo. :)
ReplyDeletegrabe puro kamalasan try mo kaya maghire ng feng shiu expert hehehehehe
ReplyDelete@poipoi poipoi ka na fron now on, okay? =P
ReplyDelete@hard ayoko baka papalitan buong pagkatao ko. hahaha
ohh...new layout...(di nka net for awhile)...
ReplyDeleteahhh...amazing naman ng vibes ng Lola mo...
and the laptop...shesh...may 40k na Samsung na like ko ngayon, Intel Corei7 na pati and ATI Radeon ang graphics...wala lang...wehe...INGAT ka na lang...
poipoi talaga? :)
ReplyDeletesige, pipoi na din tawag ko sayo para rhyming tayo. hehe :p
pipoi, bakit nung in-add kita sa blogroll ko, hindi yata nadedetect ang mga live feeds mo? hmm.
ReplyDelete@poipoi Ayoko ng pipoi. =[
ReplyDeleteDi ko din alam bakit ganyan. Pero napansin ko na din yan. Try mo tanggalin tapos balik mo. Tapos wait 24 hours. Haha. Pero seryoso ganun nga.
@cy welcome back! hehe. ako ok na ko sa netbook na yun. kaso ang mahal ng paggawa. 8k. lalambingin ko muna mama ko para sya na sumagot. hehe
ReplyDelete(late comment)
ReplyDeleteuno ako sa math 17. 99% raw grade at that! (haha, pang-asar lang. nabiyayaan na magkaroon ng near perfect grade dahil sa mga bonus quizzes. hehe.)