10 November 2010

Ayoko ng Pumara

Kanina habang sinusugal ko na naman ang buhay ko sa pagsakay sa MRT, napansin ko yung lalaking nasa harap ko. Malaking polo shirt, malaking pants, funny leather shoes.Unang tingin pa lang alam ng wala (masyadong) pakialam sa itsura nya. Turn on.

Tiningnan ko sya.


Matangkad.

Dark. Pantay na pantay ang kulay.

Naka salamin.

Singkit na parang hapon.

Mukhang mabait.

Facial hair.

Pogi.


Nag-isip ako ng paraan pano ko siya makikilala kaso wala eh. Three stations na lang bababa na ako. Hindi ko naman sya pwede kausapin na lang bigla kaya nakontento na lang ako sa pagnakaw ng tingin. Wala syang wedding ring. Tantya ko nasa late twenties o early thirties sya. Kung nasa ibang lugar kami, halimbawa, sa bar, tapos nakainom ako, naku baka lumbas ang pagiging flirt ko. Hahaha. Seryoso. Ganun mga tipo ko eh. Bet na bet, sabi nga nila. Hahaha.

Pagdating sa Guadalupe lumabas na ko, umupo sa bench, tinitigan sya hanggang umalis yung train at bumuntong hininga.

17 comments:

  1. relate ako dito pipo. ang dami dami kaya sa mrt. kaso syempre nakakahiya. wala akong guts para makipagkilala. hanggang tingin na lang ako. :|

    ReplyDelete
  2. someday..makikipagsiksikan dn ako sa mrt para humanap ng pogi...:Dching!

    ReplyDelete
  3. yes, the only consolation sa araw araw na pakikipagsiksikan sa mrt dyan satin.
    sana nginitian mo, pag naimberna at tinanong ka kung anong nginingiti-ngiti mo dyan eh di palusot na lang na di sya ang nginingitian mo na feelinggero sya.
    naway makasabay mo sya uli bukas

    ReplyDelete
  4. @jepoy madami nga sa mrt. pero eto si kuya ang una na talagang bet ko. haha. pareho tayo walang guts. pfft.

    @nicos naku wag na. baka mapahamak ka pa. behave ka nga. =P

    @orally hala nakakatakot naman. ngumiti ako pero sa kawalan. kinikilig ako konti eh. hahaha.

    @ryan pareho tayo ng taste. apir

    ReplyDelete
  5. yan nga ang masaya sa MRT. kaso pag mga hapon na.. mga amoy construction worker na ang nakakasalamuha nating mga encandiosa.
    hindi rin ako makaporma sa MRT. supla-supladuhan mode lang ako. para mataray effect. ahaha

    ReplyDelete
  6. You should have turned your cellphone's Bluetooth on. LOL.

    ReplyDelete
  7. mukhang mabait? hehehehe. dyan ka magingat. joke. :P

    ReplyDelete
  8. Well Pipo, is the MRT your turf? ;)

    The art of cruising positions gay guys in certain predicaments.

    It all boils down to where is your forte.

    ReplyDelete
  9. Gayahin mo aketch,

    may nakahandang calling card.

    just my name and my number.

    hahaha!

    ReplyDelete
  10. ay pasweet... ikaw na demure. LOL.

    ReplyDelete
  11. @rabbit oo nga! grabe ang amoy pag uwian na.

    @victor oo nga no. busy pa naman sya sa pagkalikot ng phone nya. tsk. =P

    @ced may pinaghuhugutan ka, ced?

    @guyrony the world is my turf! kidding. wala akong ganun. wala akong forte.

    @ms chu ay. ayoko. haha. di ko kaya yan.

    @nimmy eh ganun talaga. masyado na madaming manyak sa mundo eh. =P

    ReplyDelete
  12. Matangkad. check

    Dark. Pantay na pantay ang kulay. check

    Naka salamin. malaking check

    Singkit na parang hapon. (medyo. mas mukha akong koreano)

    Mukhang mabait. x

    Facial hair. x

    Pogi. x




    3 out of 7. pwede na ba to? LOL

    ReplyDelete
  13. Pagdating sa Guadalupe lumabas na ko, umupo sa bench, tinitigan sya hanggang umalis yung train at bumuntong hininga.

    love this part! ^^

    twitter.com/heartypaws

    ReplyDelete

Baa baa black sheep have you any wool?

 
 
Copyright © Average Pink
Blogger Theme by BloggerThemes Design by Diovo.com