22 April 2010

Kuting

Kahapon pa may umiiyak na kuting sa masukal na likod ng apartment ko. At kahapon pa din nakokonsensya dahil sa non-stop nyang pag-iyak. Gusto ko naman sya kunin, pakainin, arugain at ampunin. Kaso hindi ko kaya. Aalis ako dito sa apartment ko sa Sabado. Baka Lunes o Martes pa balik ko. Pano na sya sa mga araw na wala  ako? Sa katapusan ng buwan wala na din ako dito. Tapos na kontrata ko. Babalik na ko sa amin. Pano na sya? Hindi ko naman siya pwede iuwi dahil lahat nga tao sa bahay namin ay may hika. Ako lang ang wala.

Kagabi naramdaman ko na umakyat sya samay bintana. Sarado yung bintana ko kasi ayokong may pumasok ng mga insekto (takot kasi ako sa mga insekto). Na-tempt ako pagbuksan sya. Magdamag sya umiiyak.Kaninang umaga naman pag gising ko napabalikwas ako kasi di ko na nadidinig na umiiyak. Naisip ko baka patay na - namantay sa gutom, uhaw o pagod o kaya naman tinuklaw at kinain na ng ahas. Pag sililp ko sa bintana, nandun siya. First time ko sya makita. Napatingin din sya saken. Para syang si Puss 'n Boots na nagmamakaawa. Kulay abo nga lang sya.


Nagtanung-tanong na ko sa mga kakilala ko kung interesado sila ampunin yung kuting kaso lahat negative ang sagot. Di na nga daw nila maalagaan sarili nila, mag-aampon pa sila ng aalagaan. Yung isa naman kakapanganak lang daw ng kuting nila sa hindi na nila kaya mag-ampon.

Tawagan ko kaya ang PETA o PAWS? May PAWS ba dito sa LB na pwede kong tawagan?

O baka ikaw interesado ka sa kuting.

---
Update:

May dumagdag pang isang kuting. Great. :|

2 comments:

  1. awww poor kitty! if i didn't have any of my own, i'd keep her for u. kaso as it is, andami na nila at super territorial sila. :c

    ReplyDelete
  2. May umampon na pala sa kanya! Yay!

    ReplyDelete

Baa baa black sheep have you any wool?

 
 
Copyright © Average Pink
Blogger Theme by BloggerThemes Design by Diovo.com