26 October 2010

Kapit lang

Nakakalungkot pala kapag yung mga taong nagpapasaya sayo pag malungkot ka eh siya namang malungkot, no? Tapos mas nakakalungkot kasi di mo alam kung paano mo naman sila pasasayahin kasi di mo alam paano maging katulad nila. Sila kasi yung tipong kahit may sariling problema pag tumawag ka, pag nagtext ka, pag naglambing ka, andyan agad.

Gusto ko sabihin na alam ko yung nararamdaman nila pero parang ang rude. Kasi kahit naman sabihin natin na naranasan ko yung nararanasanan nila ngayon eh hindi ibig sabihin alam ko yung pakiramdam. Kahit pa sabihing eksaktong eksakto yung nangyayari sa kanila ngayon sa naranasan ko noon, sa palagay ko iba pa din yung pakiramdam nila. Iba iba kasi yung pagtanggap (receive? interpret?) natin sa sakit eh. So I find it rude if I say to them na I know how they feel because I don't. Nobody does except they themselves.*

Kaya sa'yo, sa inyo na nagdurugo ang puso ngayon, eto na lang sasabihin ko:



Iiyak lang ng iiyak yan. Pero wag na wag bibitiw. Kapit lang.


Love,

Pipo =]


---

100 Years by Five for Fighting



*This is arguable.

7 comments:

  1. tnx Pipo for a wonderful post... :)

    ReplyDelete
  2. ako, sinasabi ko na lang,

    alam kong may pinagdadaanan ka at gusto ko lang malaman mo na kung hindi mo na kaya, nandito lang ako.


    ... wag lang cash ha.

    ReplyDelete
  3. a shoulder to cry on lang ang kaya kong i-offer :D

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. @bleeding angel & Enkantadiya Salamat! Welcome sa blog ko. =D

    @Ms Chu hahaha. pareho tayo. wag lang din pera kasi wala ako nun. =P

    @Nimmy tska hug!

    @Enkantadiya Uy nahiya sya tinanggal yung unang comment. Haha. Nabasa ko naman! =P

    ReplyDelete
  6. ngayon lang ako na daan sa blog mo.. nice.. nice..

    ReplyDelete
  7. Salamat. Welcome dito, foxie fox. =P

    ReplyDelete

Baa baa black sheep have you any wool?

 
 
Copyright © Average Pink
Blogger Theme by BloggerThemes Design by Diovo.com