30 June 2010

Sorry

Truth is, akala ko maayos namin. Akala ko yung three weeks na hiningi nya para makapag-isip kami pareho eh sapat para marealize namin na hindi namin kaya mawala yung isa’t-isa. Noong una ayaw ko pumayag sa hiningi nyang three weeks. Pinagdududahan ko kasi yung intension nya dun. Ang sabi nya para daw makapag-isip kami. Pero ang naiisip ko noon eh gagamitin nya nya yun para magpakasawa sa mga kalokohan nya tapos babalikan nya ko after ng three weeks. Pero dabi nya wag ko daw sya i-judge. Wag ko daw i-judge ang motives nya. Nung sinabi nya yun naniniwala ako. Naramdaman ko naman yung sincerity nya.

Kaya nag-antay ako. Pero after a few days di ko na kinaya. Di ko na kinaya kasi tingin ko hindi fair na humingi pa sya ng pabor mula saken. Parang sobra sobra na kasi para sya pa yung humiling pa sya ng kahit ano. Nag-decide ako na itigil na yung pag-aantay. Di ko na aantayin yung three weeks at di ko na din aantayin at ieexpect na mag-sorry sya saken.

So nagdecide ako ns magsisimula na ko mag move on. Nagsimula na ko mag-isip ng mga susunod kong gagawin. Madami kasi akong plano na uulitin dahil wala na siya. Lahat kasi ng plano ko ay nandun sya. Actually, marami kaming planong dalawa. Isa na dun ay yung paghahanap ko ng trabaho na based sa Metro Manila. Kailangan sa doon para plano naman naming maging housemate eh matupad. Gusto kasi namin magkasama kami sa bahay. Sobrang mahirap kasi yung lintek na long distance relationship na yan e. Gusto namin at the end of the day uuwi kami sa isa’t-isa para kahit anong stress at kahit anong pagod pa eh mawawala dahil magkasama kami. Ako  naman gusto ko magluluto ako para sa kanya. Actually, kaya ko lang naman gusto matuto magluto eh para sa kanya. Isa pa pala sa mga plano namin eh yung magsplurge once a month. Naalala ko tinanong nya ko kung saan kami magssplurge. Di ko sya nasagot nun kasi di naman nagma-matter saken kung saan. Basta gusto ko mag-enjoy kami.

Sa Elbi ko napiling magsimula ulit. Sabi ko doon ako pupunta para gawin yung mga plano ko. Malaking bagay kasi sa akin na may mga kaibigan ako na madali kong malalapitan. Pero isang araw bago ako magpunta doon, kinailangan ko ng tulong nya. May mga bagay kasi na hindi ko pa kayang gawin ng wala sya. May mga bagay na magagawa ko lang pag kasama ko sya. Kaya ayun, nagtext ako sa kanya. Humingi ako ng tulong. Akala ko nga hindi nya ko tutulungan. Hindi kasi siya nagreply agad. Umiiyak na ko kun kasi sobrang desperate na ko. Pero buti nagreply sya at pumayag na sasamahan ako.

After ng pagkikita namin nabuhayan ako ng loob. Pagkauwi ko sa bahay nawala lahat ng pagod at ng pagdududa ko. Para kong narecharge. Feeling ko ulit kayak ko pang lumaban. Alam mo yung feeling na punong puno ka ng pag-asa na maayos uli lahat ng bagay? Ganun. Basta sobra sobrang optimistic ako na maayos namin lahat. Nag-text ako sa kanya. Sabi ko mag-aantay ako. Nagdecide ako mag-antay ulit. Isang lingo na lang naman eh.

Kaya lang may mga nangyari na naman. May mga bagay syang gagawin na sa palagay ko eh hindi nya dapat gawin kung talagang gusto nya kaming maayos. Sinabi ko yun sa kanya. Pero sabi ko nga sa kanya, di nya naiintindihan yung pinaggalingan ko. Di nya naiinitindihan kung bakit ako nasasaktan. Kaya mula sa pagiging optimistic, nawalan na naman ako ng pag-asa. Pero sabi ko sa sarili ko huli na para sumuko. Ilang araw na lang naman. Ilalaban ko pa din.

Tapos na kami mag-usap. Hindi ko na nagawang sabihin sa kanya na gusto kong ilaban pa namin. Hindi ko na nagawa kasi naramadaman ko na yung pagsuko sa kanya. Nasa boses nya, nasa galaw nya. kahit gustong gusto ko makiusap sa kanya na wag bumitiw, hindi ko na nagawa. Naalala ko tuloy yung usapan namin nung bago pa lang yung relationship namin. Sabi namin kapag may isa sa amin na napapasuko na, ipapaalala namin kung gaano namin kamahal yung isa’t-isa. Ipapaalala namin na inaasahan namin pareho na magkakaproblema kami pero sinabi din naman na hindi kami susuko. Ipapaalala namin na yung pangako namin na hindi kami bibitiw. Umiiyak pa kami nung ginawa namin yung pangako naming yun. Di naman kami nag-away pero yung thought na mawawala kami sa isa’t-isa, di namin mapigilan umiyak. Pero hindi ko nagawa yun. Hindi ko natupad yung napagkasunduan namin. At ayun na siguro yung pinakamalaking mali na nagawa ko sa relationship namin.

3 comments:

  1. Nope...not a fault at all...

    ReplyDelete
  2. hay na adik na ako story mo haha.tutulog na ko inumaga na ko dahil sau!LOL

    nanisi pa!

    ReplyDelete
  3. @thymine nung sinulat ko 'to, feeling ko talaga pagkakamali ko yun e. pero ngayon, di na ganun tingin ko.

    @mac pasensya naman. hehe. salamat sa pagbabasa. =]

    ReplyDelete

Baa baa black sheep have you any wool?

 
 
Copyright © Average Pink
Blogger Theme by BloggerThemes Design by Diovo.com